×
Corrigir

Sikreto

Maude

Paano na? Diba ang sabi mo, "Itigil na 'to?"
Bahala na, nandito na ulit tayo.
Hindi parin ako sanay, naiilang ka din alam ko.
Pero bakit kahit walang plano, umaandar tayo?

Itago mo ang ating sikreto.
Sa oras mo at espasyo ko..
Walang pipigil kung walang may alam.
Tayo lang.

Walang dapat makaalam, makatunog.
Na tayo'y nagbuo ng isang payapang paraiso.
Na kahit pa ikalat ang lahat ng ating baho, kahit gaano kalala, para sa atin paraiso parin.
Solo natin ang mayamang isla na'to at pwede kang magkamali, ako lang ang kasama mo.

Paano na? Ala-una na, aalis ka na.
Umisip na tayo ng dahilan, tatakas tayo bukas ulit!
Pwede kang magkamali, ako lang ang kasama mo.

Sa ating paraiso, polusyon lang ang opinyon nila.
Polusyon lang ang opinyon nila.

Diba ang sabi mo, itigil na.
Rinig ko na yan.
Narinig ko na yan.






Mais tocadas

Ouvir Maude Ouvir